Nahuli ang suspect na si alias “Pao” sa Barangay Sto. Niño, San Jose town na mayroong backpack na naglalaman ng anim na kilong hinihinalang shabu.
Ayon kay Lt. Stephen Polinar, spokesperson ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOrPPO), ang suspect ay matagal nang minamanmanan ng awtoridad at pinaniniwalaang bagsakan ng illegal drugs.
Samantala, ang suspect ay haharap sa kasong kriminal alinsunod sa paglabag nito sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Batay sa awtoridad, ito ang pinakamalaking drug haul sa Negros Oriental para sa taong ito. (Edrei Mallorca/ News Light)

