Nakaranas ng pagkahilo ang aabot sa isang daang estudyante sa Ilocos Norte National High School matapos ang magnitude 5.5 na lindol na tumama malapit sa Pasuquin, Ilocos Norte 10:38 ng umaga nitong July 15.
Dinala sa pagamutan ang ilan sa mga ito upang mabigyan ng paunang lunas. Wala namang naitalang nasaktan sa insidente pero pinag iingat ang publiko sa posibleng after shocks.

