Dahil sa walang humpay na pag-uulan mula pa lunes ng gabi matinding binaha ang New York City at Central Virginia sa USA.
Sa kuhang video na ito kita ang pag-agos ng tubig baha sa subway station…
Lumubog din ang mga sasakyan at nagkalat din ang mga video sa social media kung saan kitang umaagos ang tubig sa loob ng mga tren sa 28th street station.
Naglabas na ng flash flood warnings ang national weather service para sa lahat ng limang distrito ng New York City.

