LPA, namataan sa Philippine sea, posibleng maging bagyong ‘Crising’

📅

Isang Low Pressure Area ang namuo sa philippine sea at posibleng maging bagyong “Crising” sa Miyerkules ng gabi o huwebes ng umaga, ayon sa PAGASA.

Namataan ang namumuong sama ng panahon, may layong 1 thousand 40 kilometers silangan ng southwest luzon at kumikilos ito pahilagang kanluran.

Maaaring palakasin ng LPA ang habagat na magdudulot ng malakas na ulan sa kanlurang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.

Ayon naman sa Office of Civil Defense, nagsasagawa na sila ng risk assessment at naghahanda na para sa posibleng panibagong bagyo ngayong weekend.

Sa ngayon, nasa 7 point 4 milyong piso na ang naipamahaging aid sa mahigit isandaang libong na indibidwal na naapektuhan ng ulan sa unang kalahati ng taon.

ADVERTISEMENT

Tantya naman ng PAGASA, aabot sa labing-isa hanggang labing-siyam na bagyo ang inaasahang papasok ng philippine area of responsibility sa mga susunod na buwan ng taon.

Kaya naman, ingat po mga ka-A2Z.