SportsNews Light

Karl Eldrew Yulo, nais ding makasali sa Olympics | News Light

Sumabak na sa training sa Japan si Karl Eldrew Yulo, kasunod ng yapak ng kanyang nakatatandang kapatid na si double Olympic gold medalist Carlos “Caloy” Yulo.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Sumabak na sa training sa Japan si Karl Eldrew Yulo, kasunod ng yapak ng kanyang nakatatandang kapatid na si double Olympic gold medalist Carlos “Caloy” Yulo.

Sa ilalim ng Japanese coach na si Munehiro Kugimiya—na dati ring naging coach ni Carlos—paghahandaan ni Eldrew ang Junior Worlds at posibleng apat na taon pa ng pagsasanay para sa Olympics.

Giit ni Eldrew, may kanya-kanya silang istilo ni Carlos at tanging ang sipag at apelyido lamang ang kanilang pagkakatulad.

Sa kabila ng hirap ng malayong pagsasanay, nagpapasalamat si Eldrew kay Coach Mune sa pagpapagaan ng kanyang karanasan sa Japan.

What do you feel about this article?