Bukas ang DOJ na makipag-usap sa mga pamilya ng nawawalang sabungero kahit na umatras na sila sa civil case ito’y lalo na kung magsasaad silang makikiisa muli sa mga otoridad para sa imbestigasyon.
Ayon kay Prosecutor General Richard Dadullon, tuloy pa rin ang kasong kidnapping at illegal detention laban sa mga security personnel at pulis sa Manila at Laguna.
Giit pa ni Fadullon, dapat ipaarestong muli ang mga sangkot sa laguna case na pinayagang makapagpiyansa kasabay ng paghahain nila ng motion for reconsideration sa korte para baguhin ang naunang desisyon ng hukuman.
Patuloy naman ang case build-up ng pnp at validation ng mga ibinigay na impormasyon ni Julie ‘Totoy’ Patidongan.

