Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa kustodiya na ng pamahalaan ang walong Pilipinong seafarers na nailigtas mula sa lumubog na M/V Eternity C.
Bumaba sila sa pantalan ng Jizan sa Saudi Arabia at ngayon ay nasa pangangalaga ng Philippine Consulate General sa Jeddah, Migrant Workers’ Office-Jeddah, at ng kanilang ahensya.
Kasama ang tatlo sa bilang na dalawampu’t isang tripulanteng Pilipino ng barkong lumubog sa Red Sea matapos umano ang drone attack ng Houthi rebels.
Sumasailalim na sila sa medical assessment bago ang inaasahang repatriation, habang nagpahayag ng pasasalamat ang DFA sa Saudi Arabia sa pagbibigay ng visa sa mga Pilipino sa makataong dahilan.
ADVERTISEMENT
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DFA at Department of Migrant Workers upang matukoy ang kalagayan ng iba pang Pinoy crew na nananatiling nawawala.

