Dalawa sa tatlong Pinoy ang naniniwalang dapat harapin ni Vice President Sara Duterte ang impeachment court, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Base sa SWS survey, 66 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang dapat sagutin ng Bise ang lahat ng alegasyon ng korapsyon at iba pang kasong inihain laban sa kanya.
Nasa 19 percent naman ang di-sang-ayon dito habang 15 percent ang undecided.
Ang survey ay nilahukan ng 1,200 na Pilipino noong ikalawang quarter ng taon.

