News LightLatest News

168 online lending employees sa Pasig, arestado dahil sa pangha-harass ng mga nangutang — PAOCC | News Light

Naaresto ang 168 empleyado ng isang online lending company sa isang inter-agency operation sa Pasig City dahil sa umano’y pangha-harass sa mga borrower, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Naaresto ang 168 empleyado ng isang online lending company sa isang inter-agency operation sa Pasig City dahil sa umano’y pangha-harass sa mga borrower, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Isinagawa ang operasyon sa 22nd floor ng Robinsons Equitable Tower, ang pangunahing hub ng Creditable Lending Corporation, na siyang nasa likod ng Easy Peso app.

Kabilang sa mga nakumpiska ng mga awtoridad ang daan-daang computer, company-issued mobile phones, pre-registered SIM cards, text blasters, at mga harassment script.

Batay sa imbestigasyon, sinisingil pa rin umano ang mga borrower kahit nakabayad na at pinadadala pa ang bayad sa personal na GCash o bank account ng ilang empleyado.

Kinondena ng PAOCC ang umano’y walang-awang pananakot ng kumpanya, na nag-udyok pa umano sa isang lalaki sa Valenzuela na kitilin ang sariling buhay.

ADVERTISEMENT

Kasunod ng operasyon, nakatakdang kasuhan ang kumpanya sa paglabag sa Data Privacy Act, Truth in Lending Act, at Financial Consumer Protection Act.

What do you feel about this article?