Balitang A2ZLatest News

Tinaguriang ‘Alice Guo of the Metro’, arestado ng NBI, BI operatives

Arestado ng mga operatiba ng Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation ang tinaguriang Alice Guo of the Metro na tulad ng notoryosong pinatalsik na alkalde ay nagpanggap rin…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Arestado ng mga operatiba ng Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation ang tinaguriang ‘Alice Guo of the Metro’ na tulad ng notoryosong pinatalsik na alkalde ay nagpanggap rin umano bilang Pilipino.

Nadakip nitong July 13 sa NAIA three ang Chinese national na si ‘Wang Xiujun’ na nagpapakilala bilang umano’y Filipino sa ilalim ng pangalang ‘Cassia Palma Poliquit’.

Si Wang ay isang Chinese na may Philippine investor’s visa at ngayon ay negosyante na nagbebenta ng electric vehicles sa bansa.

Pero lumalabas sa report ng NBI iisa lang ang fingerprint records ni Wang at ni Poliquit.

ADVERTISEMENT

At tulad ni Alice Guo, si Wang ay may hawak ring Philippine passport at birth certificate via late registration.

Sa ngayon, nasa ilalim na ng BI facility si Wang at inihahanda na ang deportation proceedings.

What do you feel about this article?