Balitang A2ZLatest News

Sharon Garin, nanumpa na bilang bagong Energy chief; PBBM, umaasa sa bagong pagkukunan ng gas mula Malampaya

Nanumpa na si Sharon Garin bilang bagong kalihim ng Department of Energy.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nanumpa na si Sharon Garin bilang bagong kalihim ng Department of Energy.

Si Garin na dating kongresista at DOE Undersecretary ang kapalit ni Raphael lLotilla na lumipat sa DENR.

Kasabay nito, lumipad ang pangulo sa malampaya phase 4 drilling site sa Palawan kung saan umaasa siyang may madi-diskubre pang gas reserves.

Tinututukan ng administrasyon ang halos 900 milllion dollar drilling project para mapalawig ang buhay ng gas field hanggang 2039.

ADVERTISEMENT

Ayon sa DOE< mahalaga ang malampaya sa suplay ng enerhiya lalo’t nagbibigay ito ng 20 percent na kuryente sa Luzon grid.

Tiyak naman ni Garin, ipagpapatuloy ng kagawaran ang mga reporma kabilang ang green energy auction at pagpapalawak ng renewable energy.

What do you feel about this article?