Balitang A2ZLatest News

Sec. Teodoro, wala nang hawak na foreign passport ayon sa Department of National Defense

Mariing itinanggi ng Department of National Defense ang bali-balitang na may foreign passport pa si Defense Secretary Gilbert Teodoro.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Mariing itinanggi ng Department of National Defense ang bali-balitang na may foreign passport pa si Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong, matagal nang isinuko at tinalikuran ni Teodoro ang kanyang Maltese passport bago pa maghain ng kandidatura noong 2021.

Ipinaalam na rin ito sa COMELEC, Bureau of Immigration, at Commission on Appointments bago siya makumpirma bilang kalihim ng depensa.

Ayon sa DFA, pwede ang isang indibidwal na may dual citizen na magkaroon ng posisyon sa pampulikong posisyon basta’t ini-renounce niya ang foreign citizenship bago maupo sa puwesto.

ADVERTISEMENT

Samantala, tinawag naman ng isang security expert na “demolition job” ang isyu para sirain ang paninindigan ni teodoro sa pagtatanggol ng soberanya ng Pilipinas.

What do you feel about this article?