Balitang A2ZLatest News

Printing ng 200,000 BARMM ballots para sa test, roadshow, at mock elections, sinimulan na

Sinimulan na ngayong Lunes, July 14, ang printing ng nasa dalawandaang libong balota para sa barmm parliamentary elections kabilang ang test ballots roadshow ballots at mga gagamitin sa mock elections.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Sinimulan na ngayong Lunes, July 14, ang printing ng nasa 200,000 balota para sa BARMM parliamentary elections, kabilang ang test ballots roadshow ballots at mga gagamitin sa mock elections.

Kasabay ito ng pagpirma ng kasunduan ng National Printing Office, Miru ICSC-PSTI joint venture, at Commission on Elections patungkol sa kauna-unahang BARMM parliamentary elections sa October 13.

Habang sa August 24 naman target ng komisyon na simulan ang printing ng official BARMM ballots hanggang August 28.

Tinatayang nasa 2.3 million BARMM ballots ang nakatakdang iimprenta ng NPO kung saan kasama ang larawan ng mga kandidato, logo ng political groups at option na “none of the above.”

ADVERTISEMENT

Apat na araw naman ang ilalaan ng komisyon sa verification nito.

What do you feel about this article?