Isinailalim na sa performance audit nitong July 14 ang Presidential Communications Office, ilang oras matapos manumpa bilang bagong kalihim ng PCO si Dave Gomez.
Isinagawa ang aniya’y walang kinikilingang pagsusuri matapos maugnay ang ahensya sa mababang ratings ng administrasyon.
Target ng dating journalist at PR executive na si Gomez na kausapin ang bawat opisyal nang isa-isa para malalimang suriin ang galaw ng ahensya.
Kasamang rerebisahin ang mga alituntunin sa media accreditation at access sa pangulo sa mga okasyon kung saan umalma ang ilang mga mamamahayag.
ADVERTISEMENT
Tutuon si Gomez sa pagpapalawak ng digital footprint at mas maayos na pagpapahayag ng mga programa at polisiya ng pangulo.
Sa loob ng dalawang taon, si Gomez na ang ikalimang namuno sa PCO.

