Balitang A2ZLatest News

Pagtatayo ng bagong terminal sa Caticlan, Boracay, sisimulan na

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony ng bagong passenger terminal building sa Caticlan na inaasahang magpapalakas ng turismo sa Boracay at buong Western Visayas.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony ng bagong passenger terminal building sa Caticlan na inaasahang magpapalakas ng turismo sa Boracay at buong Western Visayas.

Sa pangunguna ng Megawide Construction Corporation na siyang contractor para sa Caticlan passenger terminal building, inaasahang mas malaki ang floor area na may 36,000 square meters, anim na board bridges at 36 checking counters.

Ayon sa Pangulo, hindi na kailangang dumaan ng Maynila ang mga turista dahil diretso na sa Boracay mula Caticlan ang mga biyahe na siyang magpapaunlad ng turismo sa rehiyon.

Tinatayang aabot sa 7 milyong pasahero taun-taon ang inaasahan dito.

ADVERTISEMENT

Target na matapos ito sa 2027.

What do you feel about this article?