Balitang A2ZLatest News

Pagsadsad ng Chinese vessel sa Pag-asa reef, ikinabahala ng environmental groups at Philippine Coast Guard; mga coral reef, nasira

Naalarma ang Philippine Coast Guard at mga environmental group sa epekto ng aktibidad ng mga chinese vessel sa karagatan ng Pilipinas.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Naalarma ang Philippine Coast Guard at mga environmental group sa epekto ng aktibidad ng mga chinese vessel sa karagatan ng Pilipinas.

Batay sa assessment ng PCG at Palawan Council for Sustainable Development nasira ang mga bahura sa pag-asa reef one dahil sa pagsadsad dito ng Chinese maritime militia vessel noong June 7.

Ayon pa sa PCSD, nagkalat ang basag at naputulang parte ng mga hard at soft corals na senyales na nahila ito ng anchor ng barko.

Babala ng mga eksperto, nagdulot ang pagkasira ng mga bahura o coral reefs ng pagkawala ng tirahan, pangitlogan, at pagkain ng mga lamandagat.

ADVERTISEMENT

Isusumite ng PCG ang report sa National Task Force for the West Philippine Sea para sa kaukulang aksyon.

What do you feel about this article?