Latest NewsNews Light

LTO, sinuspinde ang lisensiya ng bus driver na nahuling nagsusugal habang nagmamaneho | News Light

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng isang bus driver ng Kersteen Joyce Transport matapos mahuling naglalaro ng online gambling habang nagmamaneho, base sa viral video sa social…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng isang bus driver ng Kersteen Joyce Transport matapos mahuling naglalaro ng online gambling habang nagmamaneho, base sa viral video sa social media.

Ayon kay LTO acting Assistant Secretary Greg Pua, ipinatupad ang 90-day suspensyon kasunod ng inilabas na show cause order laban sa driver.

Sa video ng pasahero, makikitang nagsusugal online ang driver habang bumabiyahe sa Silang-Dasmariñas route sa Cavite.

Nahaharap siya ngayon sa kasong reckless driving, paglabag sa Anti-Distracted Driving Act, at posibleng kanselasyon ng lisensiya.

ADVERTISEMENT

Hinihingan na ng LTO ang bus company ng paliwanag kung bakit hindi sila dapat patawan ng parusa.

What do you feel about this article?