
Binaha ng tubig na may kahalong putik ang Brgy. Pansol sa Calamba City, Laguna, dahil sa malakas na ulan nitong weekend, na nagdulot din ng mas mabagal na daloy ng trapiko.
Ayon sa mga residente, matindi ang pagbahang ito dahil daig pa ang may bagyo.
Naniniwala rin ang mamamayan sa lugar na bukod sa mga basura ay epekto ito ng pagkakalbo ng Mt. Makiling at pagdami ng estyablisyementong itinatayo sa mga dati’y bukid.
Samantala, personal namang nagtungo si Calamba City Mayor Ross Rizal sa Brgy. Pansol, kasama ang mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office, City DRRMO, City Development Office, Engineering, at POSO para tingnan at insepksyunin ang lugar.
ADVERTISEMENT
Inatasan din nito ang kinauukulan na magsagawa ng agarang pagsasaayos ng drainage system at kalsada sa Lago Vista, at ipinatigil ang ongoing construction sa Acres Subdivision na siyang naging sanhi ng pagbaha ng putik.

