Kinumpirma ng Malacañang nitong Lunes ang pagbibitiw ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nagsumite si Dimalanta ng kanyang “irrevocable resignation” kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ngayon, wala pang karagdagang detalyeng inilalabas ang Palasyo ukol sa kanyang pagbibitiw.

