Hindi tugtugan ang dinaluhan ng mga tagahanga ni Ed Sheeran sa Soho Heni’s gallery sa London, United Kingdom kundi ang kanyang unang public art exhibit.
Pinamagatan itong, the Cosmic Carpark Paintings kung saan ibinida ng British-singer-songwriter ang kanyang mga original at printed artworks na kanyang pininta sa isang bakanteng parking lot habang nagpapahinga sa tour.
Layunin ng exhibit na makalikom ng pondo para sa Ed Sheeran foundation na sumusuporta sa music education projects sa UK.
Sinimulan ni Sheeran ang pagpipinta matapos ang kanyang divide tour noong 2019.
ADVERTISEMENT
Libre ang entrance sa exhibit na bukas hanggang august 1 mabibili ang mga pritned artwork sa halagang 400 us dollars at mapupunta ang kita sa foundation.
kaya naman, tara na sa UK.

