Ipinahayag ni bagong talagang Presidential Communications Office (PCO) acting Secretary Dave Gomez na isinasagawa na ang isang “fair, honest-to-goodness, at unbiased” na performance audit ng ahensya.
Ayon kay Gomez, personal niyang kakausapin ang mga opisyal at unit heads ng PCO upang mas maunawaan ang operasyon at performance ng organisasyon.
Binigyang-diin niyang prayoridad niya ang pagpapalakas ng komunikasyon ng mga programa at polisiya ng pangulo, pagsusulong ng press freedom, at pagpabilis ng digital transformation ng PCO.
Bilang dating mamamahayag, nangako rin si Gomez na paiigtingin ang suporta at mas gaganda ang kalagayan ng mga media na nagko-cover sa Malacañang.
ADVERTISEMENT
Giit pa niya, patuloy ang laban kontra disinformation upang maihatid sa publiko ang tamang impormasyon.

