Balik-bansa na si Pinay tennis sensation Alex Eala matapos ang kanyang laban abroad.
Bumisita si Alex sa kanyang alma mater na Colegio San Agustin sa Makati para pasalamatan ang paaralang nagsilbing bahagi ng kanyang paglalakbay sa larangan ng sports.
Nagsimula si Eala sa tennis courts ng CSA bago makilala sa mundo ng international tennis games.
Tinanggap ni Eala ang imahe ng santo niño isang school doll at shirt mula sa vice-rector ng paaralan na si father Julian Mazana.
ADVERTISEMENT
Ayon sa CSA, naghatid ng inspirasyon ang pagbisita ni eala tanda na lahat ay posible na maabot ang pangarap kasabay ng sipag at determinasyon.
Congratulations, and welcome back, Alex!

