News LightLatest News

₱164-M halaga ng shabu, nasabat sa isang Canadian national sa NAIA | News Light

Arestado ang isang babaeng Canadian national matapos mahulihan ng mahigit ₱164.7 milyon halaga ng shabu sa kanyang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City, ayon…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Arestado ang isang babaeng Canadian national matapos mahulihan ng mahigit ₱164.7 milyon halaga ng shabu sa kanyang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Lunes.

Kinilala ang suspek sa alyas “Grace,” 66 anyos, na dumating mula Toronto, Canada via Hong Kong nang harangin ng mga awtoridad batay sa intelligence-driven operation.

Natagpuan sa kanyang bagahe ang higit 24,000 grams ng hinihinalang shabu na nakalagay sa tatlong malaking garbage bag.

Nakuha rin mula sa kanya ang ilang personal na gamit kabilang ang Canadian passport, boarding passes, at cellphone.

ADVERTISEMENT

Nahaharap ngayon si “Grace” sa kasong importation of dangerous drugs sa ilalim ng Republic Act 9165.

What do you feel about this article?