DZJV Radyo CALABARZONFeatured

PNR Calamba-Lucena route, balik operasyon na ngayong araw

Umarangkada na muli ang tren ng Philippine National Railways (PNR) na may rutang Calamba hanggang Lucena, at pabalik, ngayong Lunes, July 14. Ayon sa PNR, ang pagbabalik-operasyon ay alinsunod sa…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: PNR

Umarangkada na muli ang tren ng Philippine National Railways (PNR) na may rutang Calamba hanggang Lucena, at pabalik, ngayong Lunes, July 14.

Ayon sa PNR, ang pagbabalik-operasyon ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyaking ligtas at maayos ang serbisyo para sa mga commuter.

Sasakay at magbababa ng pasahero ang tren sa mga istasyon ng lungsod ng Calamba, San Pablo, at Lucena, gayundin sa mga flagstop areas sa bayan ng Sariaya, Lutucan, Candelaria, Tiaong (Lalig), IRRI, College, Los Baños, Brgy. Masili, at Brgy. Pansol.

Samantala, P15-P105 pesos ang pamasahe para sa mga regular passenger, habang P12-P84 naman para sa mga estudyante, PWDs, at senior citizens na makapagpapakita ng kanilang valid identification card.

What do you feel about this article?