Ipinag-utos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang pagtatanggal ng lahat ng gambling-related billboards at ads sa buong bansa.
Inutusang magpasa ng inventory ng kanilang mga ad materials hanggang July 16 ang lahat ng gaming operators at licensees at kailangang maalis ang mga ito bago mag-August 15.
Kasama sa ipinagbabawal ang mga ads sa tren, bus, jeep at taxi.
Ayon kay PAGCOR chairman Alejandro Tengco, hindi nila ninanais ang kultura ng gambling addiction kaya mahalaga ang regulasyon para sa kabataan at maging sa vulnerable sector.
ADVERTISEMENT
Dagdag pa ng PAGCOR, responsableng gaming campaigns lang ang papayagan at kailangang may approval ng PAGCOR.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng panawagan ng mga mambabatas at ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na higpitan ang online gambling na tinawag nilang ‘bagong salot sa pamilya’ kaya nararapat na pataasin ang moral at family values ng mga pilipino.

