
Natagpuang nakalibing sa isang construction site sa Cavite ang bangkay ng motorcycle taxi rider na si Jayjay Caluza, 31 anyos, matapos mawala nang mahigit dalawang linggo.
Ayon sa mga awtoridad, huling namataan si Caluza noong June 24 habang may sakay na pasahero na kinilalang dating karelasyon ng live-in partner niyang si Grace.
Pinaniniwalaang selos ang motibo sa krimen.
ADVERTISEMENT
Natunton ang huling lokasyon ng motorsiklo ni Caluza sa mismong construction site kung saan foreman umano ang suspek.
Doon na rin natagpuan ang kanyang bangkay matapos magsagawa ng paghuhukay sa lugar.
Inilahad naman ni Grace na tinakot umano ng suspek si Caluza na papatayin kung hindi siya sasama rito, kaya’t napilitang sumama.
ADVERTISEMENT
Dagdag pa nito, maaaring hindi nag-iisa ang suspek at may mga pinsan itong sangkot sa pananaksak.
Samantala, batay sa ulat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo si Caluza ng 12 saksak, kung saan apat sa bandang dibdib at walo sa likod.
Ayon kay Police Captain Grenie Dolnagon ng Naic Police, mahigit dalawang indibidwal ang tinitingnang person of interest.
ADVERTISEMENT
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis.

