Balitang A2ZFeatured

Malacañang, tiniyak na patuloy na nakikipag-ugnayan sa us kaugnay ng taripang ipinatupad ni U.S. Pres. Trump

Tiniyak ng Malacañang, na tuloy-tuloy ang negosasyon ng pilipinas at Estados Unidos ukol sa 17 percent na taripa na ipinataw sa philippine exports sa ilalim ng Trump administration.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Tiniyak ng Malacañang, na tuloy-tuloy ang negosasyon ng pilipinas at Estados Unidos ukol sa 17 percent na taripa na ipinataw sa philippine exports sa ilalim ng Trump administration.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, kasalukuyang nakikipag ugnayan ang DTI at opisina ng presidential assistant for investment affairs sa U.S. trade representative.

Nangyayari ito habang papalapit ang deadline ng 90-day pause sa tinaguriang “liberation day” tariff ng Amerika.

Ayon kay Sec. Frederick Go, positibo ang resulta ng kanilang meeting sa Washington D.C. nitong May 2.

ADVERTISEMENT

Binuo na rin ang technical working group mula sa DTI, para ayusin ang mga detalye ng trade talks.

What do you feel about this article?