Bilang ng mga kabataang nabubuntis at nakikipag live in, tumaas ayon sa Commission on Population and Development

📅

Ipinagdiriwang ngayong Biyernes, July 11 ang world population day.

Kaugnay niyan, nagpaalala ang Commission on Population and Development sa dapat iprayoridad ng gobyerno, otoridad at maging ng lipunan lalo’t patuloy na tumataas ang kaso ng teenage pregnancy sa bansa.