Latest News

Bangkay ng TNVS driver, natagpuan sa Nueva Ecija

Kumpirmadong bangkay ng Transport Network Vehicle Service driver na si Raymond Cabrera ang natagpuan ng national Bureau of Investigation sa Zaragoza, Nueva Ecija mahigit isang buwan matapos siyang mawala noong…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Maselan po na balita.

Kumpirmadong bangkay ng Transport Network Vehicle Service driver na si Raymond Cabrera ang natagpuan ng national Bureau of Investigation sa Zaragoza, Nueva Ecija mahigit isang buwan matapos siyang mawala noong may 18 sa Parañaque City.

Nangangamoy at naagnas na ang bangkay nang madiskubreb sa madilim na lugar na
ayon sa mga residente, inakala nilang patay na hayop ito.

Ayon sa NBI, itinuro ng dalawa sa tatlong sumukong suspek ang lokasyon ng pinagtapunan ng bangkay matapos siyang saksakin.

ADVERTISEMENT

Humingi naman ng tawad ang isa sa mga suspek.

Isasailalim naman sa DNA test ang bangkay para sa pinal na pagkakakilanlan nito.

What do you feel about this article?