WeatherNews Light

Southwest monsoon, patuloy na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa | News Light

Patuloy na nakaaapekto ang southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng bansa ngayong Hulyo 11, 2025, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Patuloy na nakaaapekto ang southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng bansa ngayong Hulyo 11, 2025, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inaasahan ang madalas na pag-ulan sa Western Visayas, Negros Island Region, Palawan, at Occidental Mindoro, na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat ang Metro Manila, Mindanao, nalalabing bahagi ng Visayas, at ilang bahagi ng Luzon gaya ng Zambales, Bataan, Cavite, at Batangas.

Bahagyang maulap hanggang maulap naman ang kalangitan sa natitirang bahagi ng Luzon na may posibilidad pa rin ng panandaliang ulan at thunderstorm.

ADVERTISEMENT

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa posibleng flash floods o landslide.

What do you feel about this article?