Ipaliliwanag ng intel experts ang paggamit ng alyas sa mga resibo ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) sakaling matuloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Matatandaang kabilang sa mga nakatanggap ng confidential funds mula sa OVP ang nagngangalang Mary Grace Piattos at iba pang pangalan na walang record sa Philippine Statistics Authority.
Ayon kay VP Sara Duterte, ang paggamit ng alyas ay bahagi ng intelligence operations.
Ayon sa House impeachment prosecutors, bagaman pinapayagan ang paggamit ng alyas, kinakailangang mapatunayan na may totoong tao sa likod nito. (Sarah Lagsac-Arsenio/ News Light)
ADVERTISEMENT

