News LightFeatured

Mga billboard at iba pang ads tungkol sa sugal, pinababaklas na ng Pagcor hanggang August 15

Pinababaklas na ng Pagcor ang mga nagkalat na billboard at iba pang out-of-home advertisement ng mga sugal sa mga pampublikong lugar.

Jomar Villanueva · · Updated · 1 min read

Pinababaklas na ng Pagcor ang mga nagkalat na billboard at iba pang out-of-home advertisement ng mga sugal sa mga pampublikong lugar.

Binigyan ng ahensya ang mga licensee at iba pang stakeholder ng hanggang August 15 para tanggalin ang mga advertisement ng mga sugal.

Pinagsusumite rin ng ahensya ang mga ito ng listahan ng mga billboard at wallscape advertisement ng hanggang July 16 kung saan nakadetalye ang size ng advertisement, materyales na ginamit, lokasyon, at contract expiration.

Ayon kay Pagcor Chairman Alejandro Tengco, hakbang ito ng ahensya para gawing mas ligtas at mas responsable ang gaming industry sa bansa.

ADVERTISEMENT

Hindi umano balak ng ahensya na himukin ang mga Pilipino na maadik sa sugal.

Ayon pa sa ahensya, tanging mga advertisement ng sugal na maituturing na “institutional” o ” responsible” ang papayagan ng ahensya.

What do you feel about this article?