Kaugalian na ng mga Pinoy na kumain ng tatlong beses sa isang araw — ito ang umagahan, tanghalian, at hapunan.
Pero dahil sa hirap ng buhay at pabago-bagong panahon na nagiging dahilan ng pagtaas ng mga bilihin, ang ilan sa atin, para makatipid, agahan at tanghalian na lang ang kinakain.
Kaya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay patuloy na nilalabanan ang problema ng kagutuman at malnutrisyon sa bansa na kadalasang bunsod ng kahirapan.
ADVERTISEMENT
Layon ng 3-year program na Multisectoral Nutrition Project na gabayan ang nasa 275 na munisipalidad sa 13 rehiyon sa bansa para mabawasan ang kakulangan sa nutrisyon.
Gaya na lang ng project Water-Sanitation-and-Hygiene o WASH.
Ilan sa mga proyekto ng ahensya na layong tumugon sa kagutuman ang Project LAWA at BINHI na nagtuturo sa mga komunidad na dumiskarte — magtanim at mangisda para may maihaing pagkain sa lamesa tatlong beses sa isang araw.
ADVERTISEMENT
Base sa 2024 Global Hunger Index, nasa ika-67 puwesto ang Pilipinas sa halos 120 bansa sa mundo na may maraming nagugutom.
Ayon sa datos ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), tinatayang may 600,000 batang Pinoy ang nakaranas ng gutom at kakulangan sa nutrisyon noong isang taon.
Nakikipagtulungan naman ang DSWD sa iba pang mga ahensya para maipagpatuloy ang kanilang mga programa kontra kagutuman at malnutrisyon.
ADVERTISEMENT

