Sinibak sa puwesto ang dalawang opisyal ng Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro matapos ang tangkang pagpupuslit ng mga kontrabando sa kulungan.
Ang nasangkot na opisyal ay sina Camp Commander Chief Francisco Madrid at Inspector Edgar Laudencia.
Tinangka nilang magpuslit ng mga alak maging ng mga produktong tobacco.
Ayon sa Bureau of Corrections, kasalukuyan silang dinala sa national headquarters ng ahensya para sa mas malalim na imbestigasyon.

