
Kulungan ang kinabagsakan ng apat na indibidwal matapos magnakaw ng grocery items sa isang convenience store sa Brgy. Halayhay, Tanza, Cavite, pasado alas-7:00 kagabi, ika-10 ng Hulyo.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, nasa P28, 000 ang kabuoang halaga ng mga ninakaw na paninda ng mga kawatan.
Bukod sa mga grocery item, nakuhanan din ang mga ito ng limang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 3.5 grams, isang cal. 38 revolver na may anim na bala, at isang granada.
Sa ngayon, ang mga suspek ay pansamantalang nakakulong sa kustodiya ng Tanza Municipal Police Station at mahaharap sa kasong theft, paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
ADVERTISEMENT

