Balitang A2ZLatest News

Sen. Risa Hontiveros, hindi dismayado sakaling sumapi sa Senate Majority sina Senator Bam Aquino at Kiko Pangilinan

Hindi dismayado si Senator Risa Hontiveros sa balitang posibleng sumama sa Majority bloc sina Senador Bam Aquino at Kiko Pangilinan kahit na mga kakampi niya sa oposisyon ang dalawa.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Hindi dismayado si Senator Risa Hontiveros sa balitang posibleng sumama sa Majority bloc sina Senador Bam Aquino at Kiko Pangilinan kahit na mga kakampi niya sa oposisyon ang dalawa.

Ayon kay Senador Risa, may sariling diskarte ang bawat isa sa kanila pero maninindigan siya sa adhikain ng oposisyon sa loob at labas ng senado.

Hindi pa naman tumutugon sina Aquino at Pangilinan hinggil sa isyu na posibleng iwanan si Hontiveros bilang nag-iisang minorya sa senado.

Dagdag ni Hontiveros, tuloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

What do you feel about this article?