Pormal nang naghain ng kasong cyberlibel si Senador Risa Hontiveros laban sa dating whistleblower na si alyas Rene o Michael Maurillo na nagsabing binayaran umano siya para tumestigo sa senado laban kina Pastor Apollo Quiboloy
at dating pangulong rodrigo at VP Sara Duterte.
Dawit din sa reklamo ang isang abogado at limang social media personalities dahil sa pagpapakalat umano ng fake news.

