SportsLatest News

San Miguel Beermen, pasok na sa finals ng PBA Philippine Cup Season 49 | News Light

Pasok na sa finals ang San Miguel Beermen ng PBA Season 49 Philippine Cup matapos talunin ang Barangay Ginebra Gin Kings sa Game 7 ng semifinals, 100-93, nitong Miyerkules sa…

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Pasok na sa finals ang San Miguel Beermen ng PBA Season 49 Philippine Cup matapos talunin ang Barangay Ginebra Gin Kings sa Game 7 ng semifinals, 100-93, nitong Miyerkules sa Araneta Coliseum.

Sa panalong ito, nakuha ng Beermen ang ikalawang finals slot at pagkakataong pigilan ang TNT Tropang Giga sa inaasam nitong Grand Slam ngayong season.

Pinatunayan ng San Miguel ang kanilang lakas sa do-or-die matchup, habang tuluyan namang nalaglag sa title contention ang Gin Kings.

Abangan ang sagupaan ng San Miguel at TNT sa inaabangang championship series ng Philippine Cup.

What do you feel about this article?