Balitang A2ZLatest News

Presyo ng isda sa Taal lake, stable pa rin sa kabila ng isyu ng mga nawawalang sabungero

Nananatiling stable ang presyo ng mga isda sa taal lake sa kabila ng mga ulat na doon itinapon ang mga bangkay ng mahigit isandaang nawawalang sabungero.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nananatiling stable ang presyo ng mga isda sa taal lake sa kabila ng mga ulat na doon itinapon ang mga bangkay ng mahigit isandaang nawawalang sabungero.

Ayon sa Taal Lake Aquacultural Alliance, bangus at tilapia pa rin ang karamihang produkto ng lawa na nagsusuplay sa Metro Manila at CALABARZON.

Tiniyak naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ligtas kainin ang mga isdang huli sa Taal lake.

Giit naman ng Department of Science and Technology, posibleng marekober pa ang mga buto kung tunay na itinapon ang mga ito sa lawa dahil hindi ito agad nabubulok, depende sa lalim at oxygen level ng tubig.

ADVERTISEMENT

Samantala, kasalukuyang naglalaro sa isanlibong piso kada kilo ang presyo ng maliputo dahil sa kakulangan ng suplay.

What do you feel about this article?