PCSO chief Felix Reyes, itinangging sangkot siya sa pagsasaayos ng mga kaso VS Atong Ang

📅

Mariing itinanggi ni PCSO chairman Felix Reyes ang mga paratang ng self-proclaimed whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan. na umano’y nakialam ito sa mga kaso para paboran si gaming tycoon atong ang.

Giit ni Reyes, dapat manahimik si Patidongan kung wala namang ebidensya.

Pinayagan ni Reyes ang Bureau of Immigration na ilabas ang kanyang travel records para patunayang wala siyang nilakad na kaso kasama ang mga hukom o prosecutor.

Giit pa niya, handa siyang sumailalim sa anumang imbestigasyon para malinawan ang isyu at maipagtanggol ang hustisya.

Habang itinuring ni Reyes na “swak ng timing” ng mga paratang ni Patidongan lalo’t kapapasa lang niya ng application bilang susunod na Ombudsman.

ADVERTISEMENT

Matatandaang sinabi ni Patidongan na si ‘Ang’ ang utak sa pagkawala ng mahigit tatlumpung sabungero at may impluwensiya umano sa hustisya.

Samantala, naglunsad na ng sariling imbestigasyon ang korte suprema hinggil sa mga bintang laban sa ilang hukom at prosecutor.