Hindi suportado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang total ban sa online gambling.
Sa halip, iginiit ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco ang mas mahigpit na regulasyon dahil posibleng mawala ang libu-libong trabaho at bilyong kita ng gobyerno.
Base sa records, aabot na sa P50-bilyon ang nakokolektang online gaming license fees ngayong taon pa lang kung saan naibigay na sa National Treasury ang kalahati nito.
Ayon pa kay Tengco, humigit sa 30,000 Pilipino ang may trabaho sa industriyang ito kung saan marami sa kanila ay mas malaki sa minimum ang kinikita.
ADVERTISEMENT
Aniya, pinakamalaking banta ay ang mga iligal na online operator na nakabase sa ibang bansa na walang regulasyon at nanloloko ng publiko.
Samantala, lalagdaan ng PAGCOR at Ad Standards Council sa July 16 ang Memorandum of Agreement para ipagbawal ang gambling ads kabilang na ang primetime Ad ban at pagbabawal nito sa mga billboards, tabi ng paaralan, simbahan at ospital.

