Patuloy na mino-monitor ng pagasa ang Low Pressure Area at ang bagyong “Danas” na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa weather bureau, hindi naman inaasahang lalakas pa ang LPA bilang bagyo sa loob ng dalawampu’t apat na oras habang humina naman at naging tropical depression na lamang ang dati’y bagyo na si ‘Danas.’
Samantala, patuloy na nakaaapekto ang habagat sa bansa.
Inaasahan ang madalas na pag-ulan sa Metro Manila, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Antique.
Maulap na may panaka-nakang ulan naman sa Ilocos region, Cagayan valley, Cordillera, Central Luzon, CALABARZON, Zamboanga Peninsula, BARMM, Western Visayas at iba pang bahagi ng Mindanao.
ADVERTISEMENT
Habang bahagyang maulap hanggang maulap na may pulu-pulong pag-ulan naman sa natitirang bahagi ng bansa.
Kaya naman pinag-iingat pa rin ang lahat sa bantang baha at pagguho ng lupa.

