Balitang A2Z

Mahigit 160 wala pa rin sa listahan matapos ang malawakang baha sa Texas

Lumobo na sa higit isandaan at animnapu ang bilang ng nawawala sa Texas, USA matapos ang flash floods na kumitil na ng humigit isandaang buhay.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Lumobo na sa higit isandaan at animnapu ang bilang ng nawawala sa Texas, USA matapos ang flash floods na kumitil na ng humigit isandaang buhay.

Pinakamatinding tinamaan ang kerr county na tinaguriang “flash flood alley” kung saan 94 dito ang kumpirmadong nasawi kasama ang 27 na kabataan at guro mula sa isang youth camp na nilamon ng rumagasang tubig sa guadalupe river noong July 4.

Hirap ang rescue teams sa pagsalba sa mga nabaon sa putik at debris.

Gayunpaman, gamit ang mga helicopter, drone at mga aso patuloy ang operasyon sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.

What do you feel about this article?