Balitang A2ZLatest News

DOJ, ipinaliwanag na hindi kailangang hanapin ang mga katawan para patunayang may murder sa mga nawawalang sabungero

Hindi na kailangang mahanap pa ang mga bangkay para mapatunayang may naganap na murder sa mga nawawalang sabungero ito ngayon ang paliwanag ng Department of Justice.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Hindi na kailangang mahanap pa ang mga bangkay para mapatunayang may naganap na murder sa mga nawawalang sabungero ito ngayon ang paliwanag ng Department of Justice.

Ayon kay Justice spokesperson Mico Clavano, posible pa ring mahatulan ang suspek kahit na walang katawan basta mapatunayang patay na ang biktima.

Ipinunto ni Clavano na tumutukoy ang “corpus delicti” sa ebidensiyang may naganap na krimen at hindi sa bangkay mismo ng biktima.

Dagdag pa niya, kung maipresenta man ang katawan ito’y magiging matinding ebidensiya pa rin laban sa mga sangkot.

What do you feel about this article?