Itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) ang muling pagbubukas ng nationwide voter registration mula August 1 hanggang 10 bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, inaprubahan ng Commission en banc ang 10-araw na registration period upang matiyak na makaboboto ang mga nais lumahok, lalo na ang mga kabataang edad 15 hanggang 17.
Ipinaliwanag ni Garcia na mahalaga ang voter registration kung matutuloy ang halalan sa Disyembre 1, upang hindi mawalan ng botante, partikular sa sektor ng kabataan.
Nananatili namang nakabinbin ang pirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukalang batas na magtatakda ng termino ng mga opisyal ng barangay at SK, at magpapaliban sa halalan hanggang sa unang Lunes ng Nobyembre 2026 kapag naisabatas.


