DZJV Radyo CALABARZONRegional

2 indibidwal sa Cabuyao City, arestado sa pagbabayad ng pekeng pera

Arestado ang dalawang indibidwal matapos umanong gumamit ng pekeng pera bilang pambayad sa isang motor shop sa Brgy. Pulo, Cabuyao City. Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek sa mga…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: Kap. Popoy Amoranto

Arestado ang dalawang indibidwal matapos umanong gumamit ng pekeng pera bilang pambayad sa isang motor shop sa Brgy. Pulo, Cabuyao City.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek sa mga alyas na “Pam” at “Ram,” kapwa residente ng Brgy. Mamatid.

Ayon sa may-ari ng motor shop, agad niyang napansin na peke ang perang ibinayad sa kanya kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Sa tulong ng mga tanod at CTMO personnel, nahuli ang mga suspek.

Sa paunang imbestigasyon, nadiskubreng may dalang mas marami pang pekeng pera ang dalawa.

ADVERTISEMENT

Nakakulong na ang dalawa sa Cabuyao City Police Station.

Nagpaalala naman ang pamunuan ng barangay sa publiko, lalo na sa mga tindahan at negosyante, na maging mapanuri sa pagtanggap ng pera.

What do you feel about this article?