News LightLatest News

Philippine Navy, nakahandang tumulong sa kaso ng pagkawala ng mga nawawalang sabungero | News Light

Bukas ang Philippine Navy na makipagtulungan sa paghahanap sa mga labi ng mga nawawalang sabungero na di umano’y nasa kailaliman ng Taal Lake.

Newslight · · 1 min read

Bukas ang Philippine Navy na makipagtulungan sa paghahanap sa mga labi ng mga nawawalang sabungero na di umano’y nasa kailaliman ng Taal Lake.

Ito ang naging pahayag ni Philippine Navy Spokesperson Capt. John Percie Alcos sa isang press briefing nitong Martes sa Quezon City.

Ayon kay Alcos, hinihintay lamang nila ang Department of Justice na humingi ng tulong sa kanila, at kung sakali ngang magpatulong ang DOJ ay nakahanda sila kahit anong oras.

Dagdag pa niya, nasa labindalawang specially trained divers ang maaaring ma-deploy ng Navy kung sakaling magsimula na ang imbestigasyon sa Taal Lake.

ADVERTISEMENT

Nag-ugat ang imbestigasyong ito dahil sa kaso ng 34 na nawawalang sabungero magmula pa noong taong 2021.

Samantala, kamakailan ay buong tapang na inihayag ng isang whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, na ang pagkawala ng 34 na sabungero at paglibing sa mga ito sa kailaliman ng Taal Lake ay ipinag-utos umano ng sindikatong may hawak ng isang multi-billion-peso cockfight industry. (Evan Clemente/ News Light)

What do you feel about this article?