Mariing pinabulaanan at nilinaw ng Palasyo na walang akusasyon laban kay Senator Mark Villar kaugnay sa pagdami ng PrimeWater deals noong siya pa ang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, nagkataon lamang na naka-attach sa DPWH ang Local Water Utilities Administration (LWUA) noong 2019, kasabay ng pagdami ng joint venture agreements ng PrimeWater.
Bagamat sinabi ni LWUA Administrator Jose Moises Salonga na may posibleng conflict of interest sa mga panahong iyon, iginiit niyang dapat pa rin itong pag-aralan.
Sa panig naman ni Villar, tiniyak niya na wala siyang direkta o di direktang pagmamay-ari sa PrimeWater at hindi siya kaugnay sa anumang transaksiyon habang nakaupo sa DPWH.
ADVERTISEMENT

