News LightLatest News

MMFF, inilabas na ang unang batch ng mga pelikula para sa 2025 Film Fest | News Light

Inanunsyo na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang unang apat na pelikulang kabilang sa lineup ngayong taong 2025. Kabilang sa unang batch ng official entries ay ang: Iaanunsyo ang…

Carlene Latuna · · 1 min read

Inanunsyo na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang unang apat na pelikulang kabilang sa lineup ngayong taong 2025.

Kabilang sa unang batch ng official entries ay ang:

  • ‘Call Me Mother’ na pagbibidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre, sa direksyon ni Jun Robles Lana.
  • ‘Rekonek’ na tampok sina Carmina Villarroel, Gloria Diaz, at Gerald Anderson, sa direksyon ni Jade Castro.
  • ‘Manila’s Finest’ na pagbibidahan ni Piolo Pascual at pangungunahan ni Direk Raymond Red.
  • ‘Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins’, ang bagong installment ng horror anthology series na tampok sina Manilyn Reynes, Janice de Belen, Carla Abellana, Richard Gutierrez, at iba pang rising Filipino actors.

Iaanunsyo ang ikalawang batch ng mga pelikula sa Setyembre 30.

Gaganapin ang Parade of Stars sa Disyembre 19, at mapapanood na sa mga sinehan ang mga MMFF entries simula sa Araw ng Pasko, Disyembre 25.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?