Naniniwala si Communications Undersecretary Claire Castro na maayos ang kalusugan ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pamamayat nito kasabay ng ilang buwang pananatili sa International Criminal Court.
Aniya mismong dating asawa ni Rodrigo Duterte na si Elizabeth Zimmerman at Vice President Sara Duterte na ang nagsabing “okay” ang kalagayan at kalusugan ng dating pangulo.
Iginiit din biya na hindi naman napapabayaan doon ang dating pangulo.
Dagdag pa ni Castro, baka exercise lang ang kailangan niya.

